Barangay chairman todas sa ambus
January 6, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinaniniwalaang matinding alitan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng kanyang kaaway, samantala, tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang harangin ang mga biktimang naglalakad sa Upper San Raymundo, Jolo, Sulu noong Biyernes ng umaga, Enero 3, 2003.
Kinilala ang napatay na si Murphy Usman, 40, barangay chairman ng Tabuk Manok, Panamao, Sulu, samantala, ginagamot naman sa Sulu General Hospital ang mga sugatang biktima na sina Alnajir Tan, 6; Barlie Barawi, 34 at Saji Sulaiman.
Nabatid sa ulat ng pulisya na ipinarating kahapon sa Camp Crame, dumalaw ang nasawing biktima sa kanyang kamag-anak kasama ang tatlo nang harangin ng nag-iisang killer dakong alas-10:40 ng umaga saka isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest