^

Probinsiya

Mag-ina todas sa van

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang mag-ina ang iniulat na nasawi habang isa ang grabeng nasugatan makaraang salpukin ang tricycle na kinalululanan ng mag-ina ng isang shuttle van sa kahabaan ng Pintasan Bridge, National Highway sa Brooks Pt. Palawan.

Nakilala ang mga biktimang sina Jenny Mae Agullo at ina nitong si Jean na pawang isinugod sa Provincial Hospital.

Nabatid na si Jenny Mae ay dead-on-arrival sa nasabing pagamutan at ilang oras ay binawian naman ng buhay ang kanyang ina.

Kasalukuyan namang sumasailalim sa isang operation ang malubhang nasugatan na si Norlyn Pasigue, 25, ng Barangay Ipitan na nagtamo ng mga sugat at bali ang ilang bahagi ng katawan.

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang driver ng puting Nissan shuttle van (VAA 306) na nakilalang si Jesus Castillo, residente ng Poblacion District II, Brooks Pt. Palawan.

Kasalukuyan itong nakakulong sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong double homicide at serious physical injuries.

Lumalabas sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-4:45 ng hapon kamakalawa habang ang mag-ina ay lulan ng tricycle na minamaneho ng isang nagngangalang Segundo Ulat, 26, ng Ipitan Brooks.

Pagsapit sa Pintasan Bridge, kapwa umano nag-over-take ang tricycle at ang van kaya kapwa nagbanggaan sa isa’t isa. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY IPITAN

BROOKS PT

ED AMOROSO

IPITAN BROOKS

JENNY MAE

JENNY MAE AGULLO

JESUS CASTILLO

KASALUKUYAN

NATIONAL HIGHWAY

PINTASAN BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with