Kinilala ni P/Supt. Alberto Mendador, Northern Samar police provincial director, ang mga kilabot na presong nakapuga ay sina Rogelio Galicio na may kasong 4 counts ng pagpatay; kapatid nitong si Cecelio na nahatulang mabitay dahil sa kasong murder; Rodolfo Catamora na may kasong 4 counts ng rape; Wilfredo Delaba, Romeo Nicha at Donde de Guia na pawang may kasong murder sa korte ng Catarman Northern Samar.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bandang ala-una ng hapon bago sumapit ang Bagong Taon, aabot sa 100 preso ang magkakasamang nananghalian sa kanilang selda.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakuha ng baril si Rogelio Galicio at pinaputukan sa ulo ang guwardiyang si Proseso Parides at sinamantala naman ni Nicha na lagariin ang bakal ng pintuan ng kulungan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, si Parides ay natutulog ng maganap ang pangyayari.
Dalawang oras matapos na pumuga ng mga preso, si De Guia ay nalambat nina Jail guard Bienvenido Madayag at Crispin Lestajo sa forested area ng Barangay Dancalan, Bonbon, Northern Samar.
Nagsagawa rin ng malawakang pagtugis ang pu-lis-Bobon na ikinadakip naman ni Cecelio Galicio sa kagubatang sakop ng Bonbon.
Sinabi si Mendador na mananagot naman ang mga guwardiyang naka-duty sa naganap na jailbreak. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)