Ang biktima na pinagbalingan ng magkakasamang senglot ay nakilalang si Larry Cadio, 39, ng Kalayaan, Laguna, samantala, ang mga suspek na mabilis namang tumakas ay kinilalang sina Garry Badireso, Bong Torestre, Ricky Villota, Jover Vollota at Rodel Teorestre na pawang residente ng Barangay Tignoan.
Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-9 ng gabi makaraang mag-agawan sa mikropono ang mga suspek hanggang sa magrambulan subalit namagitan ang biktima kaya napatay. (Ulat ni Tony Sandoval)