Student todas sa 2 maskarado

DAET, Camarines Norte — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 24-anyos na estudyante ng dalawang hindi kilalang lalaking maskarado habang ang biktima ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa Purok Singko, Brgy. Borabod sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Duguang bumulagta ang biktimang si Alwin Jade Aguilar, estudyante ng La Consolacion College of Daet at residente ng J. Lukban Extension na kapwa pamangkin ng pulis, samantala, ang dalawang mamamatay-tao na sakay ng scooter na walang plaka ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi.

Hindi naman sinaktan ang kaangkas ng biktima na si Joherbert Matucad, 25, ng Purok 8, Brgy. 4-Daet. May palagay ang pulisya na kalaban sa fraternity ang mga suspek. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments