5 sugatan sa grenade attack
December 28, 2002 | 12:00am
CAMP SIONGCO, MAGUINDANAO Lima ang nasa malubhang kalagayan ng tamaan ito ng sumabog na granada sa Pikit, North Cotabato kamakalawa, ito ang ikalawang insidente ng pagsabog sa nasabing lugar sa loob lamang ng tatlong araw.
Kinilala ni Maj. Julieto Ando, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division ang biktima na sina Richard Calua, George Dirilo, Ben Miranda, Hernan Balsado at Eduard Carumba, lahat ay pawang residente ng Pikit, may 70 kilometro ang layo sa bahaging norte.
Sinabi ni Ando na ang mga biktima ay kumakain ng barbecue sa plaza nang hagisan ng isang fragmentation grenade ng isang hindi pa nakikilalang suspek.
Pawang nasa serious condition sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City kung saan bumaon sa loob ng katawan ng mga ito ang mga shrapnel ng sumabog na granada.
Nauna rito ay siyam katao rin mula naman sa Barangay Inog-og sa bayan ding ito ang nasugatan ng bagsakan ng isang anti-tank rocket.
Kabilang sa nasugatan dito ay mga paslit at isang pulis na nakilalang si PO3 Musa Subakan.
Iginigiit ng mga imbestigador mula sa Phil. Army na posibleng Moro Islamic Liberation Front (MILF)ang may kagagawan dahil malapit ito sa kanilang dating balwarte at ngayon ay project area na ng gobyerno at MILF returnees.
Itinanggi naman ito ng tagapagsalita ng MILF na nagsabing imposibleng gawin nila ito lalot ang mabibiktima ay walang iba kundi mga miyembro din nila tulad noong naganap na pagsabog sa tahanan ni Datu Piang Mayor Saudi Ampatuan. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest