2 NPA tiklo sa pangongotong
December 28, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dalawang umanoy miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang naaresto ng puwersa ng Dasmariñas PNP sa isinagawang operation matapos na umanoy sapilitan nitong hingian ang isang negosyanteng babae ng malaking halaga, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3 ng bayang ito.
Ang dalawang suspek na kasalukuyan ngayong nakakulong at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery/Extortion ay nakilalang sina: Absalon Fajardo, alias Ka Richard, 37, driver tubong Nueva Ecija at si Roland Barsilon, alias Ka Batibot, 32 anyos, Butcher, tubong Legaspi City, at nagpakilalang mga miyembro ng NPA.
Sa ibinigay na report ni Pol. Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-11 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman sa biktimang si Lydia Relacion, 49, dalaga, negosyante, residente ng Brgy. Paliparan, nagtungo umano sa kanya ang dalawang suspek at sinabing mga miyembro umano sila ng NPA at kinakailangan niyang magbigay ng revolutionary tax.
Kapag hindi umano siya nagbigay, mapapabilang siya sa mga naitumba ng kanilang grupo dahil sa takot agad na sumang-ayon ang biktima at nagsabi itong ihahanda na ang perang hinihingi ng mga ito.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay palihim na tumawag sa himpilan ng pulisya ang biktima at nagreport.
Nang bumalik ang mga suspek para kunin na ang pera ay dito na sila sinunggaban ng nakatagong grupo ng pulis at naaresto ang mga ito. (Ulat ni Christina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest