Nakilala ang mga biktimang sina Ruby Ann Bernas, dalaga, ng Palmera, Cainta, Rizal at pamangkin nitong si Mark Anthony Bernas ng Sangandaan, Novaliches, Quezon City.
Kapwa ideneklarang dead on arrival sa Arnais Hospital ang magtiyahin sanhi ng tinamong malalalim na sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nakilala naman ang isa pang nasugatang biktima na si Glenda Recoma na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng umaga ay lulan ng isang Dash Suzuki Motorized tricycle ang magtiyahin na minamaneho ni Edward Bernas.
Sa pahayag ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari, nakita umano nilang mabilis ang takbo ng isang kulay dilaw na Ford Ranger(XDU-553) na minamaneho ng suspek na si Jose Altanea, 25, may-asawa ng Lancia St., Village East, Cainta, Rizal sa tapat ng Tropical.
Dahilan sa bilis ng takbo ng sasakyan ay mababanga nito ang kasalubong kayat pilit nitong iniwasan subalit sa kasamaang palad ay nasalpok nito ang nasabing tricycle at tumilapon ang magtiyahin. (Ulat ni Joy Cantos)