^

Probinsiya

Magtiyahin todas sa vehicular accident

-
CAINTA, Rizal Dead-on-the-spot ang isang 21-anyos na babae at limang taong gulang na pamangkin nitong lalaki habang isa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mabangga ng isang humahagibis na sasakyan ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa.

Nakilala ang mga biktimang sina Ruby Ann Bernas, dalaga, ng Palmera, Cainta, Rizal at pamangkin nitong si Mark Anthony Bernas ng Sangandaan, Novaliches, Quezon City.

Kapwa ideneklarang dead on arrival sa Arnais Hospital ang magtiyahin sanhi ng tinamong malalalim na sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ang isa pang nasugatang biktima na si Glenda Recoma na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng umaga ay lulan ng isang Dash Suzuki Motorized tricycle ang magtiyahin na minamaneho ni Edward Bernas.

Sa pahayag ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari, nakita umano nilang mabilis ang takbo ng isang kulay dilaw na Ford Ranger(XDU-553) na minamaneho ng suspek na si Jose Altanea, 25, may-asawa ng Lancia St., Village East, Cainta, Rizal sa tapat ng Tropical.

Dahilan sa bilis ng takbo ng sasakyan ay mababanga nito ang kasalubong kaya’t pilit nitong iniwasan subalit sa kasamaang palad ay nasalpok nito ang nasabing tricycle at tumilapon ang magtiyahin. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARNAIS HOSPITAL

CAINTA

DASH SUZUKI MOTORIZED

EDWARD BERNAS

FORD RANGER

GLENDA RECOMA

JOSE ALTANEA

JOY CANTOS

LANCIA ST.

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with