410 dagdag na pulis sa Region IV
December 27, 2002 | 12:00am
Nadagdagan ang pulis sa Southern Tagalog region IV matapos makapasa sa pagsusulit ang may 410 mula sa 752 aplikante.
Ayon kay Sr/Supt. Medardo Apacible, MIMAROPA regional director na ang nakapasang mga pulis ay nakapanumpa na kamakailan sa opisina ng Camp Vicente Lim, Laguna.
Sa panunumpa ng mga bagong pulis pinalakas ni Apacible ang kanilang loob na maging mabuti sa kanilang mga nakatakdang pagsasanay upang sa gayon ay maging matatag ang kanilang pundasyon sa mga police works dahil sa kanila uusbong ang isang magiting na lider ng PNP.
Sa pagkakaroon ng mga bagong pulis, naresolbahan ang kakulangan nito sa rehiyon.
Sa 410 bagong pulis, ang 40 ay dadalhin sa Mindoro Oriental PPO, Mindoro Occidental PPO -35; Marinduque PPO -20; Romblon PPO-20 at Palawan PPO-45 habang ang natitirang 210 ay mananatili sa Regional Office. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest