^

Probinsiya

368 bilanggo nagwala

-
DAET, Camarines Norte – Umaabot sa kabuuang 368 na bilanggo sa Camarines Norte Provincial Jail ang nagwala sa pamamagitan ng pagsira ng kandado ng kanilang selda, pagsusunog ng banig at pambabato ng mga bote matapos ipagbawal ng Jail Warden ang conjugal visit ngayong Pasko.

Nabatid na sinimulan kamakalawa ng tanghali ang noise barrage ng mga bilanggo at ilan pa sa mga ito ang nagtangkang sirain ang main padlock ng Provincial Jail.

Tinangka ng mga guwardiya na payapain ang nasabing kaguluhan subalit pinagbabato ng mga bote na ikinasugat ng 3 sa mga ito.

Mabilis na nagresponde ang Daet PNP sa pamumuno ni P/Chief Insp. Virgilio Dumapias na gumamit ng water hose ng trak ng bumbero upang mapayapa ang mga ito bago pa magtagumpay sa paninira ng kandado ng main gate at makapuga.

Nabatid ng PSN na labis na nagwala ang mga preso sa kautusan ni Provincial Jail Warden Efren Arayata na ipagbawal sa mga bisitang asawang babae man o lalaki ang matulog o makapiling sa loob ng selda sa Pasko.

Hindi naman agad naipaalam sa mga bilanggo ng warden ang bagong direktiba dahil umuwi na ito sa kaniyang pamilya sa Batangas para sa X’mas holiday.

Umabot ng mahigit sa tatlong oras ang ginawang pag-iingay at sa tulong ni Provincial Administrator Nap Malalaunan na nakumbinsi ng may sampung tumatayong ‘mayor’ sa loob ng Jail upang payagan ang kahilingan ng mga preso na makapiling ang kanilang asawa sa oras ng Noche Buena. (Ulat ni Francis Elevado)

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL JAIL

CHIEF INSP

FRANCIS ELEVADO

JAIL WARDEN

NABATID

NOCHE BUENA

PASKO

PROVINCIAL ADMINISTRATOR NAP MALALAUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with