^

Probinsiya

Reunion ng pugante sa pamilya nauwi sa kamatayan

-
MILAGROS, Masbate – Sa halip na masayang Christmas reunion kapiling ang mga mahal sa buhay ang maganap sa isang takas na bilanggo mula sa Masbate Provincial Jail kamakalawa ng gabi ay maagang pakikipagtagpo kay ‘kamatayan’ ang nalasap nito nang hindi sinasadyang maaktuhan ito sa bahay ng nakatatandang kapatid sa Barangay Tawad ng bayang ito.

Kinilala ang nasawing takas na bilanggo na si Nestor Joelor Montano, alias Dolong, 35, may asawa at may kasong murder at robbery.

Sugatan naman ang kapatid ni Dolong at nilalapatan ng lunas sa Milagros District Hospital na kinilalang si Delia Duran, 43, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya ay nabatid na sinadya ni Dolong na magtungo sa bahay ng kanyang nakatatandang kapatid upang dito mag-Pasko, gayunman ang kanyang inaasahang reunion sa mga mahal sa buhay ay napalitan ng trahedya nang makilala ito ng mga naglilibot na elemento ng Masbate PNP.

Isang payapang paraan umano ng pagpapasuko kay Dolong ang ginawa ng mga awtoridad noong una pero bala ang isinalubong dito ng pugante kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga ito.

Agad na bumagsak si Dolong makaraang ilang bala mula sa mga awtoridad ang tumama sa ulo at katawan nito na hindi rin sinadyang maligaw sa nakatatanda nitong kapatid.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang kal. 38 pistola na gamit ng nasawing takas at mga basyo ng balang pinaputok nito.

Si Dolong ay may tatlong buwan ng pinaghahanap ng mga awtoridad mula ng tumakas ito sa piitan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY TAWAD

DELIA DURAN

DOLONG

ED CASULLA

MASBATE

MASBATE PROVINCIAL JAIL

MILAGROS DISTRICT HOSPITAL

NESTOR JOELOR MONTANO

SI DOLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with