Bahay ng mayor binomba, 4 patay
December 25, 2002 | 12:00am
COTABATO (AFP) Isang kilalang mayor at tatlong iba pa ang nasawi matapos sumabog ang itinanim na bomba sa kanilang tahanan kahapon.
Ang biktima ay nakilalang si Datu Piang Mayor Saudie Ampatuan, Councilor Rodolfo Wahab at dalawang hindi pa nakilala habang sampung katao naman ang grabeng nasugatan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagsasagawa ng Christmas party si Ampatuan sa kanyang tahanan nang bigla na lamang may sumabog.
Agad na namatay ang mga biktima dahil sa malapit sila sa pinagtaniman ng bomba.
Ayon kay military spokesman Julieto Ando, na hinihinala nila na ang nasabing pagsabog ay maaaring kagagawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), dahil sa ang 60 mm mortar shell na ginamit ay kapareho ng kanilang ginagamit sa tuwing may pasasabugin silang establisimyento.
Kinondena naman ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan,ama ng nasawing mayor ang insidente subalit hindi nito tinukoy kung sino ang mga suspek.
Pinabulaanan naman ni MILF Eid Kabalu, na sila ang may kagagawan dahil sa ang mga nasawi at nasugatan ay pawang mga miyembro ng MILF.
Pinagsususpetsahan ni Kabalu, na ang may pakana ng pagsabog ay kalaban ng mga Ampatuan sa pulitika at iba pang grupo ng mga armadong Muslim.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ay namatay ang nakababatang kapatid ng nasawi na si Hoffer Ampatuan na binaril sa isang night club.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya at militar sa nasabing insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest