Bus bumaligtad: 4 patay, 33 grabe
December 24, 2002 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Apat katao ang nasawi kabilang na rito ang isang batang babae habang tatlumput tatlong iba pa ang grabeng nasugatan matapos na ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus na patungong Maynila ay bumaligtad habang binabagtas ang kahabaan ng Diversion Road na sakop ng Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Teodito Fajardo, chief of police sa bayang ito ang dalawa sa apat na sina Stephanie Marto, 1, ng Makati City at Jacinto Zape, 19, ng Garchitorena, Camarines Sur, habang kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng dalawang iba pa.
Ang mga nasugatan na pawang nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ay ginagamot sa Jane County Hospital.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi habang ang Philtranco Bus (NYR-272) na minamaneho ni Deogmacias Emboltorio ay matulin na binabagtas ang nasabing daan patungong Maynila nang biglang nawalan umano ng preno at hindi na ito nakontrol na naging dahilan ng paggewang at ilang ulit na bumaligtad. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended