Sundalo nag-amok: 1 patay, 1 grabe
December 23, 2002 | 12:00am
MULANAY, Quezon Sa sobrang kalasingan sa alak ay nagawang barilin ng isang sundalo ng Philippine Army ang kanyang dalawang kabaro na nagresulta sa pagkamatay ng isa at malubhang pagkakasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi sa mismong munisipyo ng bayang ito sa barangay Poblacion.
Tinutugis ngayon ang suspek na si Sgt. Salvador, miyembro ng 74th IB na nakabase sa Barangay Ajos, Catanauan, Quezon, samantala, nasa kritikal na kalagayan sa Bondoc Peninsula District Hospital sanhi ng tama ng bala ng armalite rifle sa katawan si Cpl. Renato Labores, 33, samantala, ang bangkay ng namatay na si Cpl. Luis Gonzales ay dinala na sa kanyang tahanan sa Buenavista, Quezon.
Batay sa paunang ulat nina PO3 Gil Belarmino at PO3 Ariel Mislang, officer-on-case, dakong alas-7 ng gabi habang ang dalawang biktima ay nasa 2nd floor ng municipal building ng bigla umanong dumating ang suspek na nooy lasing na lasing. Nang makita ang dalawang kabaro at kasama pa sa kampo ay walang sabi-sabing niratrat ang mga ito saka tumakas dala ang baril. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended