^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay ng adik na anak

-
CATAINGAN, Masbate – Pinagsasaksak at pinalo sa ulo ng kahoy ng isang adik na anak ang kanyang sariling mga magulang hanggang sa mapatay ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Maanahao sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Feliciano Retiza, 53 at Vicencia Retiza, 52.

Kaagad namang nahuli ng mga barangay tanod ang suspek na si Jerry Retiza, 31, may asawa, isang barbero at adik na residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi habang ang mag-asawang biktima ay nasa loob ng kanilang bahay at naghahanda ng hapunan ng dumating ang suspek na lango sa droga at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga magulang gamit ang panggupit niya ng buhok. Hindi pa umano nakuntento ay pinalo ng kahoy ang ulo ng mag-asawa.

Nabatid na matagal ng pinagsasabihan ng mag-asawa ang kanilang anak na tumigil na sa kanyang bisyo dahil may pamilya na ito at walang hahantungan ang kanyang bisyo.

Bago ang pamamaslang ay nakita pa ang suspek na nanggupit sa barberya at matapos ito ay bigla na lamang itong nawala.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong Parricide laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa Municipal Jail ng Cataingan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY MAANAHAO

BATAY

CATAINGAN

ED CASULLA

FELICIANO RETIZA

INIHAHANDA

JERRY RETIZA

KAAGAD

MUNICIPAL JAIL

VICENCIA RETIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with