^

Probinsiya

Bangka tumaob: 5 katao nawawala

-
Tatlong turista at dalawang Filipino guide ang iniulat na nawawala matapos na maglayag lulan ng isang pump boat na pinaniniwalaang lumubog sa karagatan ng Apo Island, Negros Oriental kamakalawa.

Nakilala ang mga pinaghahanap na dayuhan na sina Marcel Wilderom, Yajoo Wilderom; pawang Dutch national at Nickiassi Bisschop, isa namang Polish national.

Kinilala naman ang dalawang Pinoy na nawawalang tour guide na sina Alejandro Maningo at Leoncio Capistrano, residente ng Brgy. Solangon, San Juan ng lalawigang ito.

Ang insidente ay inireport sa pulisya ni Damian Baguio, 36 anyos, Brgy. Kagawad ng Brgy. San Juan, Siquijor, Negros Oriental.

Base sa imbestigasyon ang limang nabanggit ay naglayag sa karagatan ng nasabing isla lulan ng isang pribadong pump boat na may pangalang Santo Niño dakong alas-11 ng umaga.

Gayunman, ayon kay Baguio matapos nitong ipagtanong ang mga lulan ng bangka ay napag-alaman nito na hindi ito nakarating sa kanilang destinasyon sa Apo Island.

Pinaniniwalaan namang lumubog ang bangkang kinalululanan ng mga biktima habang naglalayag sa nasabing lugar dahilan na rin sa masyadong malakas ang alon sa karagatan bunga ng biglaang pagsungit ng panahon.

Napag-alaman pa na ang tatlong banyaga ay pawang mga guests sa Coral Cay Beach Resort sa nabanggit na lugar.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga elemento ng San Juan Police Station sa pinaghahanap na limang nawawalang katao. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEJANDRO MANINGO

APO ISLAND

BRGY

CORAL CAY BEACH RESORT

DAMIAN BAGUIO

JOY CANTOS

LEONCIO CAPISTRANO

MARCEL WILDEROM

NEGROS ORIENTAL

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with