^

Probinsiya

2 bagets tiklo sa gang rape

-
ANTIPOLO CITY, Rizal Dalawang menor de edad ang inaresto ng mga operatiba matapos na positibong ituro ng dalawang tinedyer na babae na kabilang sa apat na kalalakihan na humalay sa kanilang magkaibigan sa isinagawang operasyon kamakalawa sa lungsod na ito.

Ang dalawang suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Antipolo City Police ay itinago sa mga pangalang Francis at Jeffrey. Habang pinaghahanap pa ang dalawang nagsipagtagong suspek na kinilalang sina Ricky at Boy na hinihinalang natimbrehan na aarestuhin makaraang isangkot sa kasong rape.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Teresa Bautista ng Women’s and Children’s Desk ng nasabing himpilan ang mga nadakip ay positibong tinukoy ng mga biktima na itinago sa pangalang Gemma at Grace pawang 14 anyos.

Napag-alaman na naganap ang panggagahasa nito pang Martes dakong alas-6 ng gabi habang ang dala- wa ay patungo naman sa birthday party ng isa nilang kaibigan.

Habang naglalakad sa daan ay bigla na lamang umanong hinarang ng mga suspek ang mga biktima na kinaladkad patungo sa isang bakanteng lote at doon halinhinang pinagsamantalahan.

Matapos ang insidente ay basta na lamang iniwan ng mga suspek ang mga ito.

Agad na nagsuplong sa pulisya ang dalawang biktima kung saan ay agad na naglunsad ng hot pursuit operations na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek kamakalawa pasado alas-10 ng umaga. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY POLICE

DALAWANG

HABANG

JEFFREY

JOY CANTOS

MATAPOS

NAPAG

RICKY

TERESA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with