NPA positibong lumikida sa Surigao mayor
December 21, 2002 | 12:00am
Positibo na ang New Peoples Army (NPA) ang siyang umikida sa alkalde ng Taganaan, Surigao del Sur habang dumadalo ito sa Christmas party noong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat ng Taganaan police station, isang engkuwentro ang naganap sa kanilang pursuit operation sa mga rebelde kung saan pinaniniwalaang ilan sa mga ito ang nasugatan. Nagawa namang makatakas ng mga rebelde sakay ng isang pump boat sa dagat.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod si Taganaan Mayor Victor Lisondra Elipe sanhi ng agaran nitong kamatayan. Ligtas naman ngayon sa panganib si Councilor Alejandro Jusian, tinamaan sa kaliwang balikat at ang barangay kagawad na si Rufo Casundo, na tinamaan naman sa kanyang kanang hita.
Matatandaan na dumalo sa Christmas party ng Association of Barangay Tanod ang biktima nang limang armadong lalaki ang dumating at agad siyang paulanan ng bala sa may Multi-Purpose Hall, Brgy. Asuzena, ng naturang bayan.
Matagal na umanong nasa hitlist ng mga rebelde si Elipe at nakatatanggap na ng mga death threats buhat sa NPA dahil sa hindi pagkakagusto sa pamamahala nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended