^

Probinsiya

1-anyos na bata nasagasaan ng ama, tepok

-
Isang paskong itim ang ipagdiriwang ng isang pamilya sa maagang pagbawi sa buhay ng isa’t kalahating taong sanggol na babae nang ito ay hindi sinasadyang masagasaan nang sariling ama habang minamaneho ang compact tructor o track ng basura kamakalawa ng hapon sa Brgy. Longos, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ni PO1 Ivan Rey Garcia Legaspi ng Traffic Division, dakong 2:14 ng hapon nang masagasaan ang batang babae na si Mary Rose Sabino ng compact tructor na may plakang SEK-402 at minamaneho ng amang si Danny Boy Sabino, nasa hustong gulang at residente ng Reyes Compound, Longos ng nabanggit na bayan.

Mabilis na isinugod ni Mr. Sabino ang anak sa Las Piñas District Emergency pero dineklarang dead-on-arrival ang bata.

Napag-alaman na magkasama sa biyahe nung umaga pa lamang bago maganap ang insidente ang mag-ama. Umuwi lamang ito upang ihatid ang anak sa kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay sumakay na sa kanyang trak ang ama. Hindi alam nito na sumunod pala ang batang babae na natumba mismo sa harap ng truck. Hindi nakita ng tatay ang kanyang sariling anak kaya’t agad nitong iniarangkada ang sasakyan na siya namang pagtayo ng bata na agad nasalpok ng trak. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

vuukle comment

DANNY BOY SABINO

DISTRICT EMERGENCY

IVAN REY GARCIA LEGASPI

LANIE MATE-SAPITANAN

LAS PI

LONGOS

MARY ROSE SABINO

MR. SABINO

REYES COMPOUND

TRAFFIC DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with