2 truck nagbanggaan, 3 patay, 4 grabe
December 20, 2002 | 12:00am
TAGKAWAYAN, Quezon Tatlong lalaki ang iniulat na namatay, samantala, apat iba pa ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang truck sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Barangay Sta. Cecilla kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni SPO1 Wilfredo Castillo ang mga nasawi na sina Doroteo Amurao, 24, driver ng trailer truck, ng Tisong, Quezon, Eliseo Manimtim, driver ng Isuzu truck at Venancio Rivera, pahenante ni Manimtim, kapwa naninirahan sa Tagkawayan Quezon.
Samantala, ang mga grabeng nasugatan ay nakilalang sina Allan Simbahan, 27; Michael Celemin, kapwa residente ng Tiaong; Fernando Garcia, 24 at Joselito Quijano, 31.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:40 ng madaling araw, binabagtas ng Isuzu truck (TFB-904) na kargado ng coco lumber ang Quirino Highway nang makasalubong ng isang trailer truck (DXB-252) na may kargang softdrinks mula sa Manila.
Ayon pa rin sa ulat, umiwas sa malalalim na lubak na kalsada ang Isuzu truck at hindi napansin ang kasalubong na trailer truck. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am