3 katao todas sa trak
December 19, 2002 | 12:00am
Tatlo katao kabilang ang dalawang estudyanteng babae ang nasawi. Samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng maatrasan ng delivery truck ng softdrinks ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Mary Ann Casimiro at Bethea Albania; pawang 13 anyos at residente ng Sitio Knights of Columbus, Brgy. San Roque ng lungsod na ito.
Binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Unciano Medical Center sa lungsod ang isa pang biktima na kinilala namang si Tomas Gutierrez.
Nakilala naman ang dalawa pang nasugatan na sina Moises de Guzman, 60 at Luis Cesar, 29; pawang tricycle driver.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Marlito Rivera, kasalukuyang minamaneho ni Noel Magsalin ng Pasig City ang delivery truck ng softdrinks na may plakang PPP-431 habang bumabagtas sa bulubunduking sakop ng Sitio Halang, Brgy. San Roque dakong alas-6:50 ng gabi nang masiraan ang makina nito.
Dahil dito ay dumausdos ang sasakyan na paatras kaya naatrasan ang kasunod nitong kulay pulang tricycle na minamaneho naman ni De Guzman na may plakang RE2188.
Ang dalawang estudyanteng sakay ay halos nagkadurog-durog ang mga katawan sa insidente habang nakatalon naman si Cesar.
Kaugnay nito, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries ang driver na si Magsalin matapos na tumakas sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended