Itoy matapos na ipag-utos ni Rizal Provincial Police Office director P/Sr. Supt. Carlito Dimaano na ipagpaliban muna ang pagbabakasyon ngayong Disyembre at maging alerto.
Karaniwang nagsasagawa nang marahas na pag-atake ang mga rebelde bago o matapos ang anibersaryo.
Nabatid sa intelligence report ng pulisya, kabilang sa puntiryang atakehin ng mga rebelde ay ang Tanay, Baras, Morong, Pililia, Teresa at Jalajala.
Kabilang din ang instalasyon ng gobyerno tulad ng Shell depot sa Barangay Malaya sa Pililia, Philcom Satellite sa Pinugay, cellsites ng Globe, Smart at Digitel sa Baras, Rizal; Kephico at Napocor.
Pinaghahandaan ng 127 puwersa ng Rizal PMG tulad ng militar ay armado na rin ng malalakas na kalibre ng armas ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)