^

Probinsiya

PNP walang bakasyon sa Pasko

-
Dahilan sa matinding bantang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Rizal partikular na ngayong malapit na ang ika-34 taong anibersaryo sa Disyembre 26, wala munang bakasyon ang mga pulis na magpapatupad ng 24-oras na pagpapatrulya upang hadlangan ang paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng komunista.

Ito’y matapos na ipag-utos ni Rizal Provincial Police Office director P/Sr. Supt. Carlito Dimaano na ipagpaliban muna ang pagbabakasyon ngayong Disyembre at maging alerto.

Karaniwang nagsasagawa nang marahas na pag-atake ang mga rebelde bago o matapos ang anibersaryo.

Nabatid sa intelligence report ng pulisya, kabilang sa puntiryang atakehin ng mga rebelde ay ang Tanay, Baras, Morong, Pililia, Teresa at Jalajala.

Kabilang din ang instalasyon ng gobyerno tulad ng Shell depot sa Barangay Malaya sa Pililia, Philcom Satellite sa Pinugay, cellsites ng Globe, Smart at Digitel sa Baras, Rizal; Kephico at Napocor.

Pinaghahandaan ng 127 puwersa ng Rizal PMG tulad ng militar ay armado na rin ng malalakas na kalibre ng armas ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY MALAYA

CARLITO DIMAANO

DISYEMBRE

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PHILCOM SATELLITE

PILILIA

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with