2 timbog sa pekeng bara ng ginto
December 18, 2002 | 12:00am
IBA, Zambales Dalawang lalaki na pinaniniwalaang nagpapakalat ng mga pekeng bara ng ginto ang iniulat na inaresto ng pulis-Iba makaraang magreklamo ang mga nabiktima ng una kamakalawa ng hapon sa Brangay Zone 1 sa bayang ito.
Ang mga nabiktima ay nakilalang sina Benjamin Domondon, retiradong colonel at Basilio Cagungao, samantala, ang mga suspek na ngayon ay nakapiit ay sina Romeo Pacis Jr., 25, ng Barangay Morasa at Vicente Bierso, 35, ng Barangay Malonboy, Botolan, Zambales.
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Rogelio Aspe kay P/Supt. Jaime Calungsod, Zambales police director, pinagbilihan ng pitong bara ng ginto ang mga biktima subalit natunugang mga peke kaya tumangging bilhin.
Dahil sa sinabi ng mga biktima ay nairita ang dalawang suspek at kaagad na tinutukan ng baril saka hinostage at pinakukuha ng pera sa bangko.
Ayon pa sa ulat, naipag-bigay naman kaagad sa pulisya ang pangyayari at inabangan ang mga suspek sa harap ng bangko bago inaresto. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
Recommended