^

Probinsiya

PAF plane bumagsak uli, 12 malubha

-
ZAMBOANGA – Labindalawa-katao ang iniluat na malubhang nasugatan at naisalba, samantala, isa pa ang nawawala makaraang bumagsak ang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa karagatang sakop ng Zamboanga kahapon, ayon sa ulat.

Bukod sa labindalawang pasahero ng eroplanong Nomad propeller ay naisalba rin ang dalawang piloto na sina Capt. Myroade de Leon at 1Lt. Baby Vladimir Ilagan habang isa pa ang nawawala.

Ayon sa mga opisyal ng Phil. Air Force, ang nabanggit na eroplano ay pabalik na sana sa Edwin Andrews Air Force base mula sa medical evacuation mission sa Cagayan de Oro, Tawi-Tawi, Sibutu at Sangan-Sanga nang maganap ang pangyayari dakong ala-1:10 ng hapon.

Nabatid naman sa isang saksi na si Hara Ruwar, may lumabas na makapal na itim na usok sa buntot ng eroplano at nakarinig ng pagsabog bago bumagsak sa dagat.

Napag-alaman pa sa ulat na ang pagbagsak ng PAF plane kahapon ay ikalawa na sa loob lamang ng limang araw kabilang ang eroplano ng militar.

Noong Huwebes, Disyembre 12, 2002 ay bumagsak din ang Italian-made SF-260 trainer aircraft sa pabrika sa Sto. Tomas, Batangas na ikinasawi ng piloto at sibilyan, samantala, sampu naman ang nasugatan.(Ulat nina Danilo Garcia/Butch Quejada)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

BABY VLADIMIR ILAGAN

BATANGAS

BUTCH QUEJADA

DANILO GARCIA

EDWIN ANDREWS AIR FORCE

HARA RUWAR

NOONG HUWEBES

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with