Mag-lover na no. 11 at no. 12 na most wanted sa Bicol timbog
December 15, 2002 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Basod Mun. Police Station at Pagbilao Quezon MPS ang tinaguriang No.11 at No.12 Regional Most Wanted Person sa Kabikolan sa isinagawang operasyon sa Barangay Banahaan Pagbilao Quezon kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang mag-live-in partner na pinuno ng Lizada Gang na sina Eduardo Lizada 30, aka Eddie, tubong Barangay Tuaca Basud Camarines Norte at No. 11 sa talaan ng most wanted person sa Bicol Region at Ofelia De Leon 36, tubong Pagbilao Quezon at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Batay sa ulat na nakarating kay Bicol Police Chief Rodolfo Thor, isinagawa ang operasyon dakong alas-6 ng umaga kamakalawa habang ang dalawa ay natutulog.
Ang pag-aresto sa dalawang suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Rose Papa Natinal ng MTC Basud 5th Judicial Region para sa kasong kriminal No. 2759 at 2758.
Napag-alaman na ang mga suspek ay lumabag sa Sec. 2 ng P.D. 532 na kilala bilang Anti-Piracy and Anti-Highway Robbery law of 1974 at paglabag sa Sec. 2 R.A. 6538 Anti-Carnapping Act of 1972 at may katapat na P450,000 na piyansa bawat isa.
Nabatid na ang dalawang suspek ay No. 11 at No. 12 most wanted person sa Kabikolan base sa DILG Memorandum circular No. 2002-39 at may patong sa ulo ng tig-100,000.
Batay sa impormasyon, ang dalawang suspek ay ang leader ng Lizada Gang na ang operasyon ng kanilang mga katibidad ay sa lalawigan ng Quezon at Kabikolan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am