Empleyada todas sa salpok ng bus

IMUS, Cavite – Isang 20-anyos na empleyada ng kumpanyang EMI Yazaki ang kumpirmadong nasawi makaraang masalpok ng shuttle bus matapos na biglang tumawid ang biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Anabu 2-D sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sabog ang ulo ng biktimang si Jherany Vi Gabute, dalaga ng Block 2, Lot 32 Pieces St., Plaza Homes Subdivision, Brgy. Anabu 2-A sa bayang ito,

Kaagad namang sumuko ang driver ng shuttle bus (NYG-414) na si Rene Azares, 39, ng Brgy. Bangal, Carmona, Cavite matapos na maganap ang trahedya dakong alas-5:15 ng umaga.

Napag-alaman sa ulat ni PO2 Angel Villanueva, bumaba ang biktima sa sinakyang jeep mula sa kanyang trabaho at biglang tumawid kaya hindi kaagad nakabig ng drayber ang bus at nahagip ang dalaga. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments