2 katao nag-suicide

CANDELARIA, Quezon – Dalawang lalaki na kapwa may matinding kinakaharap na problema ang iniulat na nag-suicide sa magkahiwalay na lugar sa bayang ito kamakalawa.

Base sa ulat ni P/Supt. Isidor Macalisang, hepe ng pulisya sa bayang ito, unang nagpakamatay si Anthony Macapuang, 20, dakong alas-singko ng umaga sa Barangay Pahinga Norte makaraang hiwalayan ng kanyang syota na si Michelle. Natagpuan ang bangkay ni Macapuang na nakabitin sa kanyang kuwarto.

Samantala, si Julian Marino, 39, ng Brgy. Masin Norte ay nagbaril sa sarili bandang alas-tres ng hapon sa harap mismo ng kanyang asawa dahil sa pagkaaburidong makahanap ng trabaho. (UIat ni Tony Sandoval)

Show comments