Sinabi ni Major General Rodolfo Garcia, commanding officer ng Armed Forces Northern Luzon Command (Nolcom) na ang mga rebeldeng NPA mula sa hilaga ay sinusuportahan na ng grupo ng NPA na nasa timog dahil sa patuloy na pagtugis ng militar sa kanilang posisyon.
"Nakatanggap kami ng intelligence reports na may Bicol-speaking rebels sa naturang lalawigan na ibig sabihin ay matagal nang nagkukuta ang mga rebelde sa mga kanayunan", ani Garcia.
Ayon sa militar, sa nakalipas na buwan ay patuloy na pinupulbos ng bala ng kanyon ang mga posibleng kuta ng mga rebelde sa Sierra Madre mula sa Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Cagayan, Pangasinan, Cordillera at Ilocos regions.
Ibinulgar din ni Garcia na may 300 US-trained kawal na Pinoy mula sa Basilan ang pinakalat na sa Kalinga dahil sa kumakalat na balita na nagpapalakas ng puwersa ang mga rebelde. (Ulat ni Benjie Villa)