Kasalan grinanada, binatilyo grabe
December 14, 2002 | 12:00am
LUPI, Camarines Sur Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang tamaan ng maraming shrapnel sa katawan mula sa sumabog na granada na inihagis ng hindi kilalang lalaki sa idinaos na kasalan sa Barangay Bangon sa bayang ito kahapon ng tanghali.
Ang biktima na ginagamot sa Lupi District Hospital ay nakilalang si Michael Lozano Jr., estudyante at residente ng Barangay Bulawan sa bayang ito.
Naitala ang pananabotahe sa kasalan bandang alas-12:45 ang tanghali habang ang biktima ay nakatayo sa gilid ng bakuran na pag-aari ni Norma Joven.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kaibigan ng biktima ang ikinasal kaya dumalo ito.
Kaagad namang namataan ng biktima ang hindi kilalang lalaki na inihagis ang granada sa mataong lugar kaya mabilis niyang sinigawan ang mga bisita sa kasalan na dumapa upang iwasan ang shrapnel.
Nagpulasan at nagsidapa naman ang mga bisita sa loob at labas ng bahay at ang nahagip ng maraming shrapnel sa katawan ay ang biktima na nagmistulang bayani. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest