Napag-alaman kay Lt. Col. William Campos ng Armys 71st Infantry Battalion na bandang alas-10 ng umaga nang mamataan ng kanyang mga tauhan ang ilang rebelde may ilang kilometro ang layo mula sa kinaroroonan nila na kumakaway.
Hindi naman kinagat ng mga sundalo na atakihin ang mga rebelde dahil na natunugang may patibong na nakaamba at pinayuhan ni Campos ang kanyang mga tauhan na mag-ingat sa mga snipers na nakakalat.
Hindi naman ginamitan ng mortars ng mga sundalo ang mga kumakaway at nagtatagong rebelde sa ilang bahay-kubo sa takot na tamaan ang mga sibilyang naninirahan malapit sa kinatatayuan ng mga NPA.
Nang dumating ang UH-1H helicopter mula sa North Luzon Command sa Tarlac ay sumakay si Col. Jovenal Narcise, commander ng Armys 702nd Infantry Brigade upang silipin ang kinaroonan ng mga rebelde at namataan na may bitbit na mga batang lalakit babae ang dalawang grupo ng NPA.
Pinalalagay na ginagamit ng mga rebelde ang mga bata bilang kalasag kapag nagkaroon ng sagupaan upang ibaling sa militar ang pagkamatay ng mga bata, ani Narcise. (Ulat ni Ding Cervantes)