^

Probinsiya

8 bata ginawang panangga ng NPA

-
SAN JOSE, Nueva Ecija – Walong bata ang iniulat na ginagamit na kalasag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) laban sa tumutugis na tropa ng militar sa Sitio Calitlitan, Barangay Tayabo sa bayang ito kamakalawa.

Napag-alaman kay Lt. Col. William Campos ng Army’s 71st Infantry Battalion na bandang alas-10 ng umaga nang mamataan ng kanyang mga tauhan ang ilang rebelde may ilang kilometro ang layo mula sa kinaroroonan nila na kumakaway.

Hindi naman kinagat ng mga sundalo na atakihin ang mga rebelde dahil na natunugang may patibong na nakaamba at pinayuhan ni Campos ang kanyang mga tauhan na mag-ingat sa mga snipers na nakakalat.

Hindi naman ginamitan ng mortars ng mga sundalo ang mga kumakaway at nagtatagong rebelde sa ilang bahay-kubo sa takot na tamaan ang mga sibilyang naninirahan malapit sa kinatatayuan ng mga NPA.

Nang dumating ang UH-1H helicopter mula sa North Luzon Command sa Tarlac ay sumakay si Col. Jovenal Narcise, commander ng Army’s 702nd Infantry Brigade upang silipin ang kinaroonan ng mga rebelde at namataan na may bitbit na mga batang lalaki’t babae ang dalawang grupo ng NPA.

Pinalalagay na ginagamit ng mga rebelde ang mga bata bilang kalasag kapag nagkaroon ng sagupaan upang ibaling sa militar ang pagkamatay ng mga bata, ani Narcise. (Ulat ni Ding Cervantes)

BARANGAY TAYABO

DING CERVANTES

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

JOVENAL NARCISE

NEW PEOPLE

NORTH LUZON COMMAND

NUEVA ECIJA

SITIO CALITLITAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with