Katiwala sa sementeryo tinodas sa nitso

TAYABAS,Quezon – Isang katiwala sa sementeryo na pinaniniwalaang kinainggitan sa kanyang trabaho ang iniulat na pinagtulungang barilin at saksakin hanggang sa mapatay ng apat na hindi kilalang kalalakihan sa ibabaw ng nitso na sakop ng Barangay Mayuwe, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na halos lumuwa ang bituka ay nakilalang si Edwin Javelosa, 32, pinagkakatiwalaan sa Heavens Garden Memorial Park, samantala, ang apat na killer ay biglang naglaho sa madilim na bahagi ng sementeryo matapos isagawa ang krimen dakong alas12:30 ng madaling-araw.

Napag-alaman kay SPO4 Marte Huerto, bago naisagawa ang krimen ay namataan ng dalawang guwardiya na sina Donato Cajam at Renato Amerika na naglalakad ang biktima sa loob ng nabanggit na sementeryo at ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay umalingawngaw ang malakas na putok. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments