Propesor itinumba habang nagtuturo
December 11, 2002 | 12:00am
MANDAON, Masbate Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang propesor sa kolehiyo ng tatlong kabataang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nagtuturo sa mga estudyante sa silid-aralan kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabitan sa bayang ito.
Limang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Rafael Losibio, 35, may asawa, propesor sa Dr. Emilio B. Espinosa Memorial College of Arts and Trade at residente ng nabanggit na barangay.
Kaagad namang tumakas ang tatlong rebelde matapos isigawa ang krimen at nakihalubilo sa mga estudyanteng nagpanakbuhan papalabas ng silid-arlan ng naturang kolehiyo.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kasalukuyang nagtuturo ang biktima dakong alas-6:30 ng gabi nang biglang pumasok ng silid-aralan ang tatlong rebelde at kaagad na pinuntirya ang propesor.
Hindi naman inabutan ng mga nagrespondeng pulis ang mga rebelde dahil sa matinding tensyon ng mga estudyante sa loob at labas ng naturang kolehiyo.
Nabatid na bago pa naganap ang krimen ay binabatikos na ng biktima ang mga rebelde dahil sa ginagawang pagre-recruit ng mga kabataang estudyante na sumapi sa makakaliwang kilusan na minasama ng mga rebelde.
May teorya ang pulisya na ibinigay ang planong itumba ang biktima sa mga bagong recruit na nasa ilalim ng test mission. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest