3 Pulis-Bulacan sabit sa hijacking
December 10, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlong bagitong tiwaling pulis-Bulacan kasama pa ang apat na sibilyan ang iniulat na nang-hijack ng isang cargo trak na naglululan ng mga tabla na may halagang P.1-milyon habang nakaparada sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay San Roque, San Rafael, Bulacan noong Huwebes ng madaling-araw, Disyembre 5, 2002.
Si PO1 Roderick Venturina na iniulat na may kasong nakabimbin at kasalukuyang suspendido ay unang dinakip, samantala, sina PO3 Romeo Tadeo, PO2 Ricardo de Guzman at PO1 Reynaldo Rodriguez na pawang nakatalaga sa San Rafael police station ay kasalukuyang tinutugis ng kapwa nila kabaro.
Base sa ulat nina P/Supt. Anastacio Inoncillo at P/Chief Insp. Eliseo Cruz, natiyempuhan ng mga suspek ang trak na nakaparada sa naturang lugar na pinapalitan ang gulong nina Ricardo Alido at Remil Perez. Walang nagawa ang dalawang pahinante nang tangayin ng mga suspek ang kanilang trak na dadalhin sana sa Quirino province mula sa warehouse na sakop ng Rodriguez, Rizal. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest