Lola naabo sa sunog
December 9, 2002 | 12:00am
BIÑAN, Laguna Tinupok ng apoy ang isang 73-anyos na lola makaraang masunog ang kanilang bahay noong Sabado ng gabi sa Barangay San Francisco sa bayang ito.
Ang biktimang naabo na naiwang mag-isa sa bahay ay nakilalang si Imelda Castillo ng Block 1, Lot 2, Silmer Village ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SFO1 Rolly Mance, fire group commander, bandang alas-7 ng gabi nang magsimula ang sunog makaraang maiwan ang gas lamp na may ningas at aksidenteng nadilaan ng apoy ang tuyong kahoy kaya kaagad na nagliyab ang kabahayan.
Tumagal ang sunog ng kalahating oras bago pa dumating ang anak nitong si Carlos at mga apo. (Ulat ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended