Kinilala ang tatlong pulis na kinasuhan sa Office of the Inspectorate at National Police Commission (Napolcom) na sina SPO3 Glicerio Salas ng Bulacan PNP command; PO1 Ronaldo Gutierrez ng San Ildefonso police station at PO1 Edgar B. Tangkengco ng Bulacan PNP 1st Mobile Provincial Group.
Sa isinumiteng reklamo ng mag-asawang mamamahayag na sina Efren Alcantara Fischer ng Pilipino Star NGAYON, field reporter ng Radio Mindanao Network (RMN) at Daisy A. Fischer ng Text Tonight na naitala ang kanilang pangalan sa police blotter na suspek sa pagnanakaw ng pedicab at kalang de gaas mula sa loob ng nabanggit na kampo.
Ayon pa sa mag-asawa na pinagkaisahan sila ng tatlong pulis sa hindi maipaliwanag na dahilan upang malagay sa kahihiyan ang pamilya Alcantara na kinondena naman ng mga mamamahayag na nakabase sa Bulacan ang ginawa ng tatlong pulis laban sa mag-asawa.
Bukod sa kasong administratibo, gross negligence at iba pa ay isinampa ang reklamong libelo sa prosecutors office laban sa tatlong pulis.
Humingi naman ng dispensa ang tatlong pulis sa mag-asawa ngunit kinasuhan pa rin dahil sa malaking kahihiyan sa kanilang pamilya ang ginawa ng tatlong tauhan ni P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., Bulacan PNP provincial director. (Ulat ni Efren Alcantara)