3 niratrat habang nagbi-videoke, tigok
December 7, 2002 | 12:00am
BAAO, Camarines Sur Tatlong mga kalalakihan ang pinagbabaril hanggang sa masawi ng dalawang di-nakikilalang mga armadong suspek habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng Food House Videoke Bar sa Diversion Road, ng Barangay San Nicolas sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Reynaldo Licup, 50, may asawa, residente ng Regina St. Villa Corazon Subd. Naga City, Geoffrey Remodo, 40, may asawa, residente ng Barangay Matacla Goa, Camarines Sur at Rommel Barrellos, 29, may asawa at residente ng naturang barangay.
Batay sa ulat ng pulisya, ang pamamaril ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi habang ang tatlong biktima ay masayang nag-iinuman sa naturang videoke bar nang ang dalawang suspek ay biglang sumulpot na armado ng kal. 45 at kal. 9mm at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima sa ulo at katawan na agad na ikinamatay ng mga ito.
Matapos ang ginawang pamamaslang ay kaagad na tumakas papalayo sa lugar na pinangyarihan ang mga salarin.
Narekober sa crime scene ang 17 basyo ng bala ng kal. 9mm at 5 basyo ng bala ng kal. 45.
Kasalukuyan pang pinag-aaralan ang motibo ng pamamaslang ayon sa pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended