4 pulis na pumatay sa kanilang kikidnapin kinasuah na ng murder
December 6, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Pormal na kinasuhan ng murder ang apat na pulis na pinaniniwalaang responsable sa pagkakapatay sa 32-anyos na anak ng negosyanteng Tsinoy noong Martes ng gabi sa kahabaan ng Arvin Street, Barangay Pansol, Calamba City.
Isinampa ang kasong murder sa prosecutors office laban kina PO1 Roger Abulencia, PO2 Obeth Onte, PO1 Robert P. Ardez at PO1 Armando Macaraig na ngayon ay tinutugis ng pulisya.
Ayon sa ulat, sina Abulencia at Onte na nakatalaga sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan) police force ay sumuko kay P/Chief Supt. Enrique Galang, director ng Calabarzon police.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Generoso Calderon, hepe ng Calamba police station na matibay ang edibensya laban sa apat na pulis dahil sa positibo sa gun powder si Abulencia sa isinagawang paraffin test sa Camp Vicente Lim.
Bukod dito ay pag-aari ni Macaraig ang kotseng Lancer na ginamit ng mga suspek sa pagpatay kay Jean Abalos, anak ni Don Pepe Abalos na nagmamay-ari ng mga Lumberyard.
Magugunitang papauwi na ang biktima sakay ng kanyang Mercedez Benz dakong alas-6:30 ng gabi nang harangin ng mga suspek na pulis ngunit binangga ito ng babae bago umatras.
Dito na nakorner ng mga suspek ang biktima makaraang bumangga ang kotse sa konkretong pader dahil sa pag-atras hanggang sa pagbabarilin ito.
Kaagad na tumakas ang apat na pulis ngunit narekober ang kanilang kotse sa La Vista Road dahil sa pagkakabalahaw sa maputik na kalsada.(Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended