2 lalaki nag-suicide
December 5, 2002 | 12:00am
LEGAZPI CITY Dalawang lalaki na pinaniniwalaang may malaking problema ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanilang bahay kamakalawa sa Barangay Bigaa sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nag-suicide na sina Vladimir Suarez, 28, binata, jobless, tubong Brgy. Barayong, Ligao City at pansamantalang naninirahan sa Purok 4 ng nabanggit na barangay at Bernabe Manlangit, 41, may asawa ng naturang lugar.
Unang nag-suicide si Suarez dakong alas-7 ng umaga sa loob ng inuupahang kuwarto.
Napag-alaman ng pulisya na matagal nang naghahanap ng trabaho si Suarez ngunit walang tumanggap sa hindi mabatid na dahilan kaya nagpasyang magbigti.
Samantala, si Manlangit naman ay nagbigti dahil sa hindi makayanang problema sa kanyang asawa na nasiraan ng bait at ang pagpapakamatay ng kanyang kapatid na babae.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa dalawang magkasunod na suicide kung may naganap na foul play. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended