^

Probinsiya

Trader nilikida sa sariling tindahan

-
SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay naglilinis ng kanyang tindahan sa Barangay Alua sa kahabaan ng Olongapo-Gapan Road noong Sabado, Nobyembre 30, 2002 ng umaga.

Pitong bala ng kalibre. 45 baril ang tumapos sa buhay ni Emmanuel U. Joson, isang marino at pinaniniwalaang kaanak ni Nueva Ecija Governor Tomas N. Joson III at residente ng Barangay Sto. Cristo sa bayang ito.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga habang naglilinis ng cabinet ang biktima sa kanyang salamin ay dumating ang mga killer at kaagad na pinaputukan ang negosyante.

Magugunitang dalawang araw bago naganap ang pagpaslang sa biktima ay napatay din ang isang negosyante sa isang gasolinahan sa Gapan City. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY ALUA

BARANGAY STO

CHRISTIAN RYAN STA

CRISTO

EMMANUEL U

GAPAN CITY

JOSON

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA GOVERNOR TOMAS N

OLONGAPO-GAPAN ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with