Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Eduardo Aguilar, 17, binata, traysikel drayber at Efren Ipapo, 26, binata at kapwa residente ng Barangay Saluysoy, Meycauayan, Bulacan.
Samantala, ang humingi ng tulong sa pulisya ay itinago sa pangalang Boni, 43, may asawa, negosyante ng Town and Country North Executive Village sa nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya, nagtungo ang dalawa sa bahay ng biktima para humingi ng revolutionary tax at kapag hindi nagbigay ay pinagbabantaang papatayin ang lahat ng miyembro ng pamilya nito.
Kaagad namang ipinagbigay-alam ng biktima sa pulisya ang pangyayari kaya naaktuhan ang mga suspek.
Narekober sa dalawa ang sulat na nagsasaad na humihingi ng revolutionary tax, itim na executive diary at traysikel (RJ-1534) na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Efren Alcantara)