Sikyu nanghalay ng maid nasakote
December 4, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY Nagwakas ang matagal na nagtatago sa batas ang isang security guard na pinaniniwalaang responsable sa panghahalay ng kanyang katulong makaraang madakip sa kanyang bahay habang nagpapahinga kahapon ng umaga sa Brgy. Gulang-gulang sa lungsod na ito.
Si Reynaldo Obnias, 23, may asawa ay dinakip dakong alas-5 ng umaga ng mga tauhan ni P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, hepe ng pulisya sa lungsod na ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Guillermo Andaya ng Regional Trial Court Branch 53.
Sa ulat ni SPO3 Jhonny Escalderon ng Lucena PNP warrant section, isinagawa ng suspek ang maitim na balak sa biktima noong gabi ng Nobyembre, 24, 2001.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na lango sa alak ang suspek nang isagawa ang krimen bago pinalayas ang biktima.
Lingid sa kaalaman ng guwardiya ay nagsuplong ang biktima sa mga awtoridad kaya naisampa sa korte ang kaso. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended