Sulyap Balita
December 3, 2002 | 12:00am
Napisak ang katawan ng mag-inang sina Estrelita Jose, 45 at anak na si Cristina, tatlong taong gulang, samantala, ang suspek na nakilala lamang sa alyas Pogie ay mabilis na tumakas matapos na malamang naatrasan at namatay ang mag-ina dakong alas-3:20 ng hapon.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Danilo delos Santos, hepe sa bayang ito, nakatayo ang mag-ina sa gilid ng makitid na kalsada habang nakaposisyon naman ang trak para magbaba ng bato ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawalan ng kontrol at naganap ang trahedya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Duguang bumulagta si Roylan Persia, 26, may asawa ng Barangay Poblacion sa bayang ito dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril.
Kaagad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka matapos isagawa ang krimen dakong alas-11 ng umaga ayon sa imbestigasyon ng pulisya.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong karibal sa negosyo ang nagpapatay sa biktima upang masolo ang pagtitinda ng isda. (Ulat ni Tony Sandoval)
Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Rogelio Urban, 33 at residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, isinagawa ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi makaraang abangan ang biktima na nag-iisang naglalakad sa madilim na bahagi ng naturang lugar.
Walang lumutang na testigo sa naganap na pagpaslang sa biktima sa takot na madamay. (Ulat ni Francis Elevado)
Kinilala ang mga suspek na sina Saturnino Balba, 33 ng Brgy. Maria Paz, Tanauan, Batangas; Amelia Pajarillo, 40; at Frederick Marudo, samantala, tinutugis naman ang kanilang pinuno na si Luis Luna sa hindi binanggit na lugar.
Narekober ng mga tauhan ni P/Chief Enrique Galang Jr., Calabarzon regional director, ang isang Nissan pickup na pag-aari ni Rocela Acero ng Barangay Limao, Calauan, Laguna, baril at ibat ibang uri ng bala. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na kinarnap din ng mga suspek ang Honda CRV (WMT-163) noong Nobyembre 17 na pag-aari naman ni Roberto Keyser ng Barangay Pansol, Calamba City, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest