4 dakip sa pagsasabotahe sa piña plantation
December 2, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng kidnap-for-ransom gang ang iniulat na nalambat ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa naganap na pag-atake sa plantasyon ng pinya sa bayan ng Polomolok, Mindanao noong Huwebes, Nobyembre 28, 2002.
Sa ulat ng militar, nilusob at hinagisan ng granada ang plantasyon na pag-aari ng Dole Phils., Inc. na naging dahilan upang mawasak ang dinadaluyan ng tubig ngunit wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa naganap na pananabotahe ng mga miyembro ng Pentagon.
Napag-alaman pa sa ulat ng militar na noong Enero, dalawang kasapi ng Pentagon ang kumpirmadong nasawi makaraang makasagupa ng tropa ng militar na tangkang salakayin ang nabanggit na plantasyon. (Kuha ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest