^

Probinsiya

2 Koreano nalunod sa Puerto Galera

-
Naging trahedya ang naging bakasyon ng dalawang turistang Koreano sa bansa makaraang malunod habang naliligo at pumasok sa malalim na kuweba sa karagatang sakop ng Brgy. Sabang, Puerto Galera, Mindoro Oriental kahapon ng umaga.

Natagpuan ng mga mangingisda ang bangkay ni Ja Jye Ha, 43, ng Chon-Bok JK Sanse, Dongsan-Dong, South Korea, samantala, pinaghahanap naman ang kaibigan nitong si Park Shang Hoonn, 46, na kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Sonny’s Tourist Inn.

Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtungo ang mga biktima sa naturang lugar kasama si Lee Young Jae, 23, anak ni Ha upang mag-underwater skin diving sa So Big Lalaguna cave.

Hindi naman naligo si Jae at hinintay na lamang ang kanyang ina at kaibigan ngunit may ilang oras na ang nakalilipas ay hindi pa bumabalik hanggang kumalat ang balitang patay na si Ha, samantala, pinaghahanap naman si Hoonn na pinalalagay na nalunod na rin. (Ulat ni Danilo Garcia)

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

JA JYE HA

LEE YOUNG JAE

MINDORO ORIENTAL

PARK SHANG HOONN

PUERTO GALERA

SO BIG LALAGUNA

SOUTH KOREA

TOURIST INN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with