Presidente ng asosasyon itinumba
December 1, 2002 | 12:00am
Dead-on-the-spot ang pangulo ng Homeowners Association matapos na pagbabarilin ng tatlong armadong kabataang lalaki na nagpakilalang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) kamakalawa sa Taytay, Rizal.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Santos, 41, residente ng Brgy. San Juan ng nasabing munisipalidad at pangulo ng Samahang Makaisa Maralita.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Dario Miranda, naganap ang insidente sa Sitio Namahay, Brgy. San Juan, bandang alas-8 ng umaga.
Napag-alaman na kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima kay Artemio Hapon nang bigla na lamang paligiran ng mga rebelde na nagmamatyag di-kalayuan sa kinaroroonan ng dalawa.
Bigla na lamang pinagbabaril ng rebelde ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.
"Walang makikialam sa inyo," pahayag ng mga rebelde matapos magpakilalang miyembro ng kilusang komunista na aktibong kumikilos sa lalawigan ng Rizal.
Bago tuluyang lumisan ay nag-iwan pa ng subersibong dokumento ang mga NPA na mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended