5 katao patay sa P20-M sunog
December 1, 2002 | 12:00am
Natusta nang buhay ang lima-katao kabilang ang tatlong batang lalaki matapos na makulong ng apoy sa naganap na sunog na tumupok ng ari-ariang tinatayang nasa P20 milyon sa Dulag, Leyte ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Halos nagmistulang uling ang mga bangkay ng mga biktimang sina Maria Gualberto, 46; Melitona Verona, 43; at ang tatlong paslit na sina Marlon Gualberto, 5; Romeo Verona, 2; at Paulo Verona, 4.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Dulag fire station, nagsimula ang sunog sa stall ng nasawing si Melitona sa Market Site, Poblacion, Dulag.
Nagkaroon ng short circuit sa outlet na pinagsaksakan sa kable ng refrigerator kaya nagsimulang kumalat ang apoy.
Nabatid na ang mga biktima ay natutulog sa kanilang mga stall para paghandaan ang kanilang pagtitinda kinaumagahan.
Huli na umano ang lahat nang maalimpungatan ang mga biktima na napapaligiran na ng makapal na usok.
Wala na ring nagawa ang mga nagrespondeng rescue team matapos na tuluyang lamunin ng apoy ang mga biktima kasama ang kanilang ari-arian. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended