^

Probinsiya

270 MILF sumuko, 5 miyembro ng Misuari Breakaway Group nadakip

-
Muling nalagasan ang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos na may 270 miyembro nito ang kusang-loob na sumuko sa pamahalaan habang lima namang miyembro ng Misuari Break-Away Group ang nadakip ng mga militar sa mga lalawigan ng Lanao del Sur at Sulu.

Sa ulat ng Philippine Army, unang sumuko sa 1st Marine Brigade ang 10 rebelde sa pamumuno ni Danny Dalamba, alyas Kumander Tawan-Tawan, ng 7th Battalion ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF dakong alas-7:00 kamakalawa ng umaga sa Sitio Bungalo, Brgy. Upper Itil, Balabagan, Lanao del Sur.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang isang M60 Light Machine gun, limang M16 rifles, anim na rocket propelled grenade, isang M79 grenade launcher at isang garand rifle.

Sumunod na sumuko naman kahapon ng umaga ang may 260 pang rebeldeng Muslim sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Marawi City ng naturang lalawigan.

Personal na nagtungo sina bagong AFP chief of staff General Dionisio Santiago at PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. sa nabanggit na lungsod upang saksihan ang pagsuko ng mga nabanggit na rebelde. (Ulat ni Danilo Garcia)

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES

DANILO GARCIA

DANNY DALAMBA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

GENERAL DIONISIO SANTIAGO

KUMANDER TAWAN-TAWAN

LANAO

LIGHT MACHINE

MARAWI CITY

MARINE BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with